DENVER — Tumapos si LeBron James na may 34 points bago ang pagdiriwang ng kanyang ika-31 kaarawan, habang nagdagdag si Iman Shumpert ng season-high 16 markers para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 93-87 paggupo sa Denver Nuggets.
Kumolekta naman si Kevin Love ng 8 points at 14 rebounds para tapusin ng Cleveland ang kanilang four-game West Coast swing bitbit ang 2-2 marka.
Ipinahinga ng Cavaliers si Kyrie Irving sa ikalawang gabi ng kanilang back-to-back games mula sa kanyang fractured left kneecap surgery.
Umiskor naman si reserve Will Barton ng 29 points sa panig ng Nuggets, naipatalo ang anim sa kanilang huling pitong laro.
Muling naglaro ang Denver nang wala sina Danilo Gallinari (sprained left ankle) at rookie Emmanuel Mudiay (sprained right ankle).
Iniwanan ng Cavaliers ng 11 points sa huling 3:07 minuto ng fourth quarter, inilagay ng Nuggets si Tristan Thompson, isang 56 percent free throw shooter, sa foul line.
Nagpasok si Thompson ng isa sa kanyang apat na free throws ngunit hindi ito nasamantala ng Denver.
Ang windmill dunk ni James ang sumelyo sa panalo ng Cavaliers.
Sa kanyang pagbaba ng court ay nginitian ni James si retired NBA player at Denver native Chauncey Billups na nakaupo sa courtside.
Ang dunk ni James ang nagbigay sa Cleveland ng 15-point lead sa second period.
Sa iba pang laro, tinalo ng, New York ang Detroit, 108-96; giniba ng Atlanta ang Houston, 121-115; binigo ng Oklahoma City ang Milwaukee, 131-123 at tinakasan ng Memphis ang Miami sa overtime, 99-90.