MANILA, Philippines – Sa hanay ng napaulat na dalawang world champions at isang dating four-division titlist, posibleng piliin ni Manny Pacquiao si world welterweight king Timothy Bradley Jr. para sa kanilang ‘trilogy’.
Ito ang paniniwala ni veteran trainer Robert Garcia, dating cornerman ni world four-division title-holder Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr.
Ayon kay Garcia, mas titimbangin ng 37-anyos na si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ang malaking tsansang muli niyang talunin ang 33-anyos na si Bradley (33-1-1, 13 KOs) na kasalukuyang World Boxing Organization welterweight title-holder.
“I’d say he’s fighting Timothy Bradley for a third time. That’s just my guess. I think Crawford is just too risky to end his career with maybe a loss - even though Bradley has a shot this time of beating him for real,” wika ni Garcia kay Pacquiao.
Nanalo si Bradley sa kanilang unang laban ni Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo ng 2012.
Rumesbak naman si Pacquiao nang kunin ang kumbinsidong unanimous decision win sa kanilang rematch ni Bradley noong Abril ng 2014.
Nanggaling si Bradley sa isang ninth-round KO victory laban kay Mexican-American Brandon Rios noong Nobyembre para mapanatiling suot ang kanyang WBO crown.
Sa naturang panalo kay Rios ay ipinarada ni Bradley ang bagong trainer na si Teddy Atlas.
Naniniwala si Garcia na mas delikadong labanan ni Pacquiao si Crawford (27-0-0, 19 KOs) na WBO light welterweight ruler at sinasabing hinog na para maging isang boxing superstar.
Napasama naman sa listahan si dating world four-division titlist na si Adrien ‘The Problem’ Broner (31-2-0, 23 KOs) matapos siyang alukin ni Michael Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao, na labanan si ‘Pacman.