MANILA, Philippines – Tinapos ng San Beda College ang kanilang 15-taong tagtuyot nang walisin ng Red Netters ang men’s tennis Final Four ng 91st NCAA tournament sa Rizal Memorial Tennis Center kamakailan.
Binanderahan ni Vince Carlo Ramiscal ang atake ng San Beda nang pabagsakin ng Red Netters ang Colegio San Juan De Letran, 2-1 bago naungusan ang College of St. Benilde, 2-1, na sinundan ng pagpapataob sa University of Perpetual Help Systems Dalta netters, 3-0.
Ibinulsa rin ni Ramiscal, isang second year Marketing student mula sa Pangasinan, ang MVP crown.
Ang iba pang miyembro ng SBC team ay sina Eric Fernandez, mula rin sa Pangasinan, Andre Tuason, lumipat mula sa Saudi Arabia at Cebuano doubles specialist Wishmark “Macoy” Basanal.