MANILA, Philippines – Ilang beses nang sinabi ni Tim Cone na si No. 3 overall pick Scottie Thompson ang magiging ‘future’ ng Barangay Ginebra.
At muli itong pinatotohanan ng two-time PBA Grand Slam champion coach.
Binanderahan ni Thomson ang pagbangon ng Gin Kings mula sa 22-point deficit sa third period para balikan ang NLEX Road Warriors, 91-90 at sikwatin ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Ginebra (6-4) matapos kunin ang 102-94 double overtime win laban sa Blackwater noong Disyembre 5, habang natikman ng NLEX ang kanilang pang-apat na dikit na kabiguan.
Nang kunin ng Road Warriors ang 75-53 abante sa 3:23 minuto ng third period at ang 79-59 abante sa 10:44 minuto ng fourth quarter ay ipinasok ni Cone sina Thompson, Dave Marcelo at Chris Ellis para buhayin ang Gin Kings.
“I gotta step away and let things happen. Withdraw and let the players play and see if they can pick it up,” sabi ni Cone.
Mula sa naturang bentahe ng NLEX ay nagpakawala ang Ginebra ng 24-4 bomba sa likod nina Thompson, Marcelo at Chris Ellis para itabla ang laro sa 83-83 sa 4:12 minuto ng final canto.
Huling nabawi ng Road Warriors ang unahan sa 90-87 buhat sa 3-point shot ni Jonas Villanueva sa 1:45 minuto ng laro kasunod ang basket ni Greg Slaughter at dalawang free throws ni Thompson sa natitirang 10.4 segundo para sa 91-90 abante ng Gin Kings.
Ang mintis na lay-up ni Sean Anthony sa huling 1.7 segundo sa panig ng NLEX ang tuluyan nang kumumpleto sa pagbangon ng Ginebra.
Samantala, pinalakas naman ng Barako Bull ang kanilang tsansa sa ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals matapos talunin ang Star, 101-83, na tinampukan ng 24 points ni veteran guard Josh Urbiztondo para sa Energy na may 5-5 baraha.
Barako Bull 101 - Urbiztondo 24, Intal 18, Wilson 18, Fortuna 14, Pennisi 14, Brondial 6, Monfort 5, Lanete 2, Baracael 0, Miranda 0.
Star 83 - Barroca 17, Yap 12, Sangalang 11, Pingris 10, Mallari 9, Taha 7, Cruz 5, Melton 5, Pascual 4, Torres 3, Simon 0.
Quarterscores: 25-28; 45-45; 67-71; 101-83.
Ginebra 91 - Slaughter 18, Thompson 14, Aguilar 12, Ellis 11, Marcelo 10, Tenorio 7, Devance 6, Helterbrand 5, Caguioa 4, Cruz 4, Mercado 0, Salva 0.
NLEX 90 - Taulava 21, Anthony 16, Villanueva J. 11, Lanete 9, Alas 8, Camson 6, Enciso 6, Khobuntin 6, Borboran 5, Reyes 2, Villanueva E. 0.
Quarterscores: 22-22; 41-49; 75-59; 91-90.