Gin Kings tinakasan ang Elite via double OT

MANILA, Philippines – Humakot si seven-foot center Greg Slaughter ng game-high na 35 points at 15 rebounds.

Ngunit ang mahahalagang puntos ay nangga­ling kina veteran guard LA Tenorio at No. 5 overall pick Scottie Thompson.

Nagsalpak sina Tenorio at Thompson ng dalawang magkasunod na three-pointer para tulungan ang Ba­rangay GInebra na talu­nin ang Blackwater via double overtime, 102-94, at sik­watin ang pang-limang quarterfinals seat sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Arena sa Angeles City, Pampanga.

Ito ang pang-limang panalo (5-4) ng Gin Kings sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel Beermen (7-1), Alaska Aces (7-1), Rain or Shine (6-1), Globalport Ba­tang Pier (5-3) at Talk ‘N Text Tropang Texters (4-3).

Nalasap naman ng Elite ang kanilang pang-limang dikit na kamalasan (1-7).

Ipinoste ng Ginebra ang 10-point lead, 75-65, sa 7:15 minuto ng fourth quarter, habang tumipa si Reil Cervantes ng 12 points pa­ra idikit ang Blackwater sa 80-82.

Nagkaroon ng tsansa ang Elite na agawin ang panalo kundi lamang nai­mintis ni 6’8 Jason Ballesteros ang kanyang dalawang free throws sa natitirang 4.6 se­gundo na nagdala sa laro sa unang overtime, 84-84.

Ang basket ni Jerrick Ca­ñada ang nagtabla sa Blackwater sa 92-92 patu­ngo sa second overtime.

Show comments