Toquero sasagupa sa Chinese pride

MANILA, Philippines – Iwawagayway ni flyweight Eugene Toquero ang bandila ng Pilipinas sa pakikipagbakbakan kay Wu Ze ng China sa One: Spirit of Champions na idaraos sa Disyembre 11 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang salpukan nina To­quero at Wu ang pangu­nahing undercard sa duwe­lo nina Brandon “The Truth” Vera at Chi “Chopper” Lewis-Parry.

Hawak ni Toquero ang 7-2) record, habang si Wu ay nagtataglay ng 3-2 ba­raha.

Nagsimulang lumaban si Toquero noong 20­13 nang matalo sa kababa­yang si Geje Eustaquio.

Subalit tiniyak ni Toquero na mas magiging han­da siya sa ikalawang pagsalang matapos pa­tum­bahin si Gianni Subba ng Malaysia.

Pinasuko rin ni Toquero si Brianata Rosadhi no­ong Abril.

“I like to come in fast and powerful. Finishing on the feet has always been my priority, because I think it produces the most exciting knockouts,” sabi ni Toquero.

Show comments