MANILA, Philippines – Dalawang koponan ang makikita sa aksyon para sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup.
Opisyal na magiging miyembro ng liga ang Phoenix Petroleum at ang National University-BDO para samahan ang naunang pitong koponan.
Ang iba pang makakasama ng Phoenix at ng NU-BDO sa darating na komperensya ay ang Foundation Cup champion na Café France, Racal Motors, Tanduay Light, AMA, Mindanao Aguilas, Wangs Basketball at Jam Liner na ipaparada ang mga players ng University of the Philippines.
Hindi naman makikita sa aksyon ang 2014 Foundation Cup champion na Hapee, Cebuana Lhuillier at ang Cagayan Valley.
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang Phoenix sa D-League, habang magbabalik naman ang NU-BDO na magpaparada sa mga NU Bulldogs.
Hawak ng Racal Motors ang No. 1 pick sa D-League draft na nakatakda sa Martes sa PBA Café sa Pasig.