Laro Bukas (Marikina Sports Center)
7 p.m. Sta. Lucia Land vs Austen Morris Associates
8:30p.m PCU vs Macway Travel
MANILA, Philippines – Taas noong tinapos ng Metro Pacific Toll Corporation ang elimination round sa pagkubra ng ikatlong panalo nang igupo ang Our Lady of Fatima University, 77-55 sa 5th DELeague Basketball Tournament nitong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Ang panalo ay nagpatatag sa Road Warriors sa ikatlo sa Group A taglay ang 3-2 kartada kung saan makaksagupa nila ang Mindanao Agilas na may 2-3 baraha sa Group A sa quarterfinal round
Sa isa pang quarterfinal match, maglalaban ang OLFU Phoenix (1-4) at Hobe Bihon-Cars Unlimited na may 4-1 kartada.
Dumiretso ang FEU-NRMF sa semifinals sa bisa ng limang dikit na panalo sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.
Tumapos si Byron Villaria ng 31 puntos para pangunahan ang Road Warriors bukod pa ang 14 puntos ni Aj Vitug.
Mabibili ang ticket sa halagang P10 lamang. Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com