Sta. Lucia Land Inc. nakisosyo

MANILA, Philippines – Kumana ng 18 puntos si Francis Munsayac upang trangkuhan ang Sta. Lucia Land Inc. sa 100-64 tagum­pay laban sa Philippine National Police-Quick Print noong Linggo sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Nakakuha ng suporta si Mansuyac, naglista rin ng apat na rebounds at anim na assists, sa dating MVP ng liga na si Francis ‘Kiko’ Adriano na may 17 puntos para sa Realtors na umangat sa 3-1 kartada katabla ang PCU sa Group B.

Sa iba pang laro, diniskaril ng FEU ang Minda­nao  Agilas, 82-70 at ginapi ng Power Innovation ang Macway Travel, 99-87 sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Burger at Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals.

Show comments