Sasagupa sa Batang Pier Painters pakay ang ika-4 sunod

STANDINGS W L
Rain Or Shine 3 0
Alaska 3 1
San Miguel 3 1
NLEX 2 1
Globalport 2 1
Talk N' Text 2 1
Star 2 2
Barako Bull 1 2
Ginebra 1 2
Blackwater 1 3
Meralco 0 3
Mahindra 0 3

Laro Ngayon (Philsports Arena)

4:15 p.m. NLEX vs Mahindra

7 p.m. Rain or Shine vs Globalport

 

MANILA, Philippines – Sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft ay marami ang kumuwestiyon sa pagpili ni Rain or Shine coach Yeng Guiao kay Filipino-Nigerian guard Maverick Ahanmisi.

Ngayon ay hindi na sila nagtatanong.

Ang 6-foot-3 na si Ahanmisi ang naging sandigan ni Guiao sa 99-84 paggiba ng Elasto Painters sa nagdedepensang San Miguel Beermen noong Nobyembre

Sa naturang ikatlong sunod na panalo ay nagtumpok ang 22-anyos na rookie guard ng 14 points, 5 rebounds at 4 assists

“Napaka-simpleng bata. Walang yabang. He can hold the team together. He’s an excellent point guard, excellent passer, and when he gets open he knows when to take the shot. He can drive to the basket; he can challenge the big men,” sabi ni Guiao. “It’s just a validation of our judgment on draft day.”

Muling masusubukan ang kakayahan ni Ahanmisi sa pagsagupa ng Rain or Shine sa Globalport ngayong alas-7 ng gabi sa PBA Philippine Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Si Ahanmisi ang sina­sandigan ni Guiao sa pagrerekober ni Paul Lee sa kanyang left knee injury injury.

“I played well, but it’s just three games. I haven’t done much. If we keep winning, the silence will come. That’s the most important thing,” wika ni Ahanmisi.

Umiskor naman ang Batang Pier ng 105-91 overtime win laban sa Barako Bull Energy noong Nobyembre 8 para sa kanilang ikalawang panalo.

Nagtala si Terrence Romeo ng 21 points, habang kumolekta si Stanley Pringle ng 19 points, 17 rebounds at 5 assists para sa Globalport.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtutuos naman ang NLEX Road Warriors at ang Mahindra Enforcers.

Show comments