Bradley nagpa-impress kay Arum

Ang pangatlong laban kay Bradley ang magiging opsyon ni Arum sakaling hindi maplantsa ang bakbakan nina Pacquiao at Amir Khan. AP/Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Pinabagsak ni Timothy Bradley, Jr. si challenger Bran­don Rios sa ninth round kahapon sa Thomas And Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Bumilib si Bob Arum ng Top Rank Promotions sa naturang knockout win ng 32-anyos na si Bradley kay Rios.

“That’s the best Bradley I’ve ever seen,” sabi ni Arum sa naturang panalo ni Bradley, ginulat si Pacquiao sa pa­mamagitan ng split decision victory noong 2012 bago na­talo sa kanilang rematch noong 2014.

Ang pangatlong laban kay Bradley ang magiging opsyon ni Arum sakaling hindi maplantsa ang bakbakan nina Pacquiao at Amir Khan.

Ang kampo ng 28-anyos na si Khan ang kasalukuyang kinakausap ni Arum para sa magiging pinakahuling laban ng 36-anyos na si Pacquiao sa Abril 9, 2016.

Sinabi ng Filipino world eight-division champion na kaya niyang talunin ang British star na dati niyang sparmate sa ilalim ni trainer Freddie Roach.

“I used to fight him (in sparring),” sabi ni Pacquiao sa panayam ng Gulf News nang maglaro ang kanyang PBA team na Mahindra sa Dubai, United Arab Emirates. “He’s a good boxer, a good fighter, but I am faster. It wouldn’t be easy but I am confident I would beat him.”

Show comments