Khan ‘di pa sigurado Pacquiao gustong idaos sa Dubai ang huling laban

Nagpakuha ng larawan sina Fahad Al Hassawi (kaliwa) at Manny Pacquiao sa isinagawang Meet and Greet sa Dubai Mall’s du Store nitong Miyerkules kung saan dinagsa ang Pambansang Kamao ng mga panatiko. @Philboxing.com

MANILA, Philippines – Wala pang linaw kung sino ang makakalaban ni Manny Pacquiao sa kanyang come-back fight sa susunod na taon.

Si Amir Khan ang siyang sinasabing matunog na ka­laban sa Abril 9 pero ayon mismo kay Bob Arum ng Top Rank ay wala pa silang konkretong negosasyon sa kanyang kampo.

“The deal is far from over,” wika ni Arum sa Boxingscene. Inanim niya na may paunang usapin na at may ilang napagkasunduan na pero hindi garantiya ito na si Khan na ang sunod na haharapin ni Pacman.

“I said to them, even if Manny Pacquiao picks them--they are going to have to come to Vegas. I have to sit with the kid and work out the deal,” paliwanag ni Arum.

Bukod kay Khan, si light welterweight champion Te­rence Crawrford ang tinitingnan ng kanyang kampo.

Ang trainer na si Freddie Roach ay nagsabi na gusto niya si Crawford pero ito ay desisyon pa rin ng Pambansang Kamao.

Samantala, sinabi ni Pacquiao ang pagnanais na mag­daos ng laban sa Dubai.

Nakita ni Pacquiao ang magagandang lugar sa Dubai dahil kasama siya ng Mahindra Enforcers na hinarap ang Alaska Aces sa PBA game noong Biyernes.

“It was a great experience to be on top of the (tallest) building (in the world) and see whole view of Dubai because this is my first time in Dubai,” wika nito sa Emirates247.com.

Tulad ni Arum ay sinabi Pacman na plano pa lamang si Khan na kanyang makalaban at inulit din niya na ito na ang kanyang huling laban lalo na kung makaupo sa Senado sa 2016.

“This will be my last fight in boxing because I’m focu­sing on serving the people in the Philippines. My dream is to serve the people and I hope to achieve that,” pahayag pa ni Pacquiao.

Show comments