MANILA, Philippines - Dalawang batang babae na nanalo na rin sa mga international tournaments na sinalihan ay gumiba ng dating mga marka sa idinaos na 86th Philippine Swimming League (PSL) National Series na Baguio Halloween Swim Meet sa Athletic Bowl Swimming Pool Complex sa Baguio City.
Si Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ay naorasan ng 35.62 segundo para burahin ang 36.27 marka sa girls’ 9 years 50-meter butterfly habang si Aubrey Tom ng Marikina Aquabears ay may 40.53 segundo sa girls’ 8 years 50m backstroke para lunurin ang 42.19 segundo dating record.
Ang iba pang nanalo sa kompetisyon na itinaguyod ng Baguio Penguins Swim Club at suportado ng The Manila Times, Victory Liner at pamahalaang lokal ng Baguio City ay sina Marc Bryan Dula, Paul Christian King Cusing, Ian Ferdinand Trinidad, Ruben White, Albert Sermona, Aalia Jaire Espejo, Felice Alexis Reyes, Marcus Faytaren at Angelica Mae Medrano.
Si Dula ay nanguna sa boys’ 8 years 50m breaststroke (56.65), si Cusing ay kampeon sa boys’ 14 years 50m breaststroke (35.75), si Trinidad ay sa boys’ 13 years 50m breaststroke (36.81), si White ay sa boys’ 10 years 50m breaststroke (51.34), si Sermona sa boys’ 10 years 50m backstroke gold (43.15), si Espejo ay sa girls’ 12 years 50m breaststroke (43.03), si Reyes ay sa girls’ 14 years 50m breaststroke (43.78) si, Faytaren ay sa boys’ 13 years 50m backstroke gold (33.12) at si Medrano ay sa girls’ 15-over 50m breaststroke (40.03).
Wagi rin sina Behrouz Mojdeh, Philip Princillo, Rigel Hechanova, John Fadriquela, Edrian Laureta at Margaret Mendez.