Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. Kia Forte vs Navy
3 p.m. Army vs PLDT
MANILA, Philippines – Laro ng isang beteranong koponan ang ipinakita ng UP Lady Maroons nang kunin nila ang 25-20, 25-22, 27-25 straight sets panalo sa Coast Guard Lady Dolphins sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi tumiklop ang Lady Maroons sa mahahabang rallies para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at ipatikim sa Lady Dolphins ang pangatlong sunod na kabiguan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.
Ang rookies na sina Maria Isabel Molde at Justine Dorog ay mayroong 15 at 11 puntos at sila ay nagsanib sa 19 kills para kunin ng State University ang 33-25 panalo sa attack department.
“Sinabi lang sa amin ni coach na sa laro, walang rookie at kailangang ilaro namin ang dapat na ilaro namin,” ani Molde na may 11 kills at apat na aces.
Si Rossan Fajardo ang nanguna sa Coast Guard tangan lamang ang siyam na puntos upang manatiling uhaw na makatikim ng set win matapos ang tatlong asignatura.
Inakala ng mga tagahanga ng koponan na makakaisang set na ang Lady Dolphins nang kunin ang 24-23 set point sa check ball sa palo ni Samantha Dawson.
Pero hindi pa rin sinuwerte ang Lady Dolphins at natalo sa down-the-line hit ni Molde bago tinawagan ng two-touch si Abegail Ponon.
Samantala, luminaw ang signal ng Cignal HD Spikers sa huling tatlong sets para manalo sa Sta. Elena Wrecking Ball, 23-25, 22-25, 25-16, 25-20, 15-8 sa Spikers Turf Reinforced Conference.
Ito ang ikalawang panalo sa tatlong laro ng Cignal para solohin ang ikatllong puwesto.