Laro Ngayon
(Davao City)
5 p.m. San Miguel
vs Globalport
MANILA, Philippines – Nagpasikat ang mga rookies na sina Simon Enciso at Ketih Agovida.
Ngunit hindi pa rin matatawaran ang puso at eksperyensa ni veteran center Asi Tualava.
Nagsalpak ang 43-anyos na si Taulava ng apat na free throws sa dulo ng fourth quarter para tulungan ang NLEX sa 90-86 pagtakas laban sa Blackwater sa PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos ang 6-foot-9 na si Taulava na may 19 points, 12 rebounds at 3 assists para sa 1-0 baraha ng Road Warriors.
“Asi made his free throws. He is not yet in game shape,” sabi ni coach Boyet Fernandez kay Taulava na miyembro ng Gilas Pilipinas na sumabak sa nakaraang Jones Cup sa Taiwan at sa FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
Nagdagdag naman si Enciso ng 15 points kasunod ang 14 ni Sean Anthony at 10 ni Mark Borboran para sa NLEX.
Nakuha ng Elite ang nine-point lead, 36-27 sa second period bago naiposte ng Road Warriors ang sariling nine-point advantage, 59-50, sa 2:34 minuto ng third quarter mula sa split ni Rob Reyes.
Huling nakadikit ang Blackwater sa 84-85 mula kina Agovida at Reil Cervantes sa nalalabing 51 segundo hanggang isalpak ni Taulava ang apat niyang free throws para muling ilayo ang NLEX sa 89-86 sa natitirang 19 segundo.
Samantala, sisimulan ng San Miguel ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagsagupa sa Globalport ngayong alas-5 ng hapon sa Davao City.
NLEX 90 -- Taulava 19, Enciso 15, Anthony 14, Borboran 10, J. Villanueva 8, Apinan 6, Cardona 5, Reyes 5, Alas 4, Khobuntin 4, Arboleda 0.
Blackwater 86 -- Agovida 15, Reyes 13, Cervantes 12, Ballesteros 10, Lastimosa 7, Gamalinda 6, Sena 6, Cortez 5, Canada 3, Erram 2, Golla 2, Bulawan 0, Vosotros 0.
Quarterscores:17-26; 41-42; 60-59; 90-86.