TINGNAN: Volleyball stars bumida sa PBA season 41 opening

Rain or Shine Elasto Painters kasama ang kanilang muse na si Julie Ann Marie Bourgoin. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Nagningning ang mga muse ng bawat koponan sa pagbubukas ng season 41 ng Philippine Basketball Association kagabi sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Ateneo Lady Eagles superstar Alyssa Valdez ang mga muse na rumampa kasama ng kanilang mga koponan.

Kasama ni Valdez ang Talk ‘N Text tropang texters, habang ang karibal naman niya sa La Salle Lady Spikers na si Mika Reyes ay kakampi ng Barako Bull.

Ibinida naman ng San Miguel Beermen ang Philippine Superliga stars na sina Rachel Ann Daquis at Alexa Micek.

Bukod sa mga volleyball players, rumampa rin ang iba pang muse na ang ilan ay triathlete, beauty queens at celebrities.

Narito ang mga larawan:

 

Show comments