PATAFA Weekly Relay dadayo na sa probinsya

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga mahuhusay na tracksters sa probinsya na matuklasan para sa national team na ilalaban sa malalaking kompetisyon sa hinaharap.

Ito ay dahil dadalhin na ng PATAFA ang kanilang Weekly Relay sa labas ng Metro Manila para lumakas ang kanilang grassroots program.

Ang Weekly Relay ay ginagawa sa Philsports Track Oval sa Pasig City sa loob ng mahabang panahon  at ito ang ginagamit para tumuklas ng mga bagong mukha na karamihan ay nasa national team ngayon.

Ang Bacolod City ang unang lugar na pagdarausan ng Weekly Relay bago matapos ang taon.

Ang mga taga-Negros na hindi makakatungo sa Bacolod ay puwede pang maipakita ang angking ga­ling dahil iikot ang kompetis­yon sa kanilang lugar.

Puspusan ang pagpapaibayo ng programa ng NSA na pinangungunahan ni dating PSC chairman Philip Ella Juico para magpatuloy ang pagbangon ng athletics sa kompetisyon sa labas ng bansa.

Nanalo ng limang ginto ang athletics sa nakaraang Singapore SEAG.

 

Show comments