MANILA, Philippines – Nagpahatid ng kanyang pag-aalala si Los Angeles Lakers’ guard Jordan Clarkson sa mga Pinoy na nasalanta ng bagyong ‘Lando’, may international name na ‘Koppu’.
Sa pamamagitan ng social media ay nag-alay ng dasal ang Fil-American player para sa mga biktima ng bagyo.
“I’ve never paid much attention to natural disasters prior to this year. When I lived in Missouri there were tornado warnings but now that I’m reconnected with my Filipino roots there is much concern,” sabi ni Clarkson.
“Typhoon Koppu swept into the northern Philippines. As I learn more about typhoon’s it is alarming to see the size and speed of Koppu. This huge, slow-moving typhoon made landfall near the town of Casiguran on the island of Luzon on Sunday morning The speed of the typhoon is such that it will cause rain to fall in the same place for days causing major flooding. Prayers to all in Casiguran and beyond.”
Noong Agosto ay nagbalik sa Pilipinas ang 6-foot-4 na si Clarkson para obserbahan ang ensayo ng Gilas Pilipinas na noon ay naghahanda para sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
Umaasa si Clarkson, ang ina ay tubong Pampanga, na makakapaglaro siya sa Gilas Pilipinas sa Olympic World Qualifier sa Hulyo ng 2016 para sa tiket sa Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.