Adamson player pinatawan ng one-game suspension

Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. NU vs Adamson

4 p.m. UST vs Ateneo

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, pinatawan ng UAAP si Joseph Nalos ng Adamson University ng one-game sus­pension.

Ito ay dahil sa pagbali­bag ni Nalos kay Vince To­lentino ng Ateneo sa 5:23 minuto sa third quarter sa 87-72 tagumpay ng Blue Eagles sa Falcons sa se­cond round ng 78th UAAP men’s basketball tournament noong nakaraang Sa­bado.

Kaagad na pinatalsik ng mga game officials si Nalos sa nasabing laro mula sa itinawag na disqualifying foul.

“Per Rule VI.B, an athlete who is thrown out of  or ejected from any game is au­tomatically suspended in the immediately succeeding game,” wika ni Saguisag.

Matapos ibalibag ni Nalos si Tolentino ay kaagad na­mang sumaklolo si Ate­neo star guard Kiefer Rave­na at itinulak ang Adamson stalwart sa sahig.

Tinawagan si Ravena ng unsportsmanlike foul.

Hindi makakalaro si Nalos sa pagharap ng Falcons sa nagdedepensang National University Bulldogs bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Nauna nang nasuspinde si Adamson coach Mike Fermin noong Setyembre 23 sa first round kontra sa NU.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang Far Eastern University at Uni­ver­sity of Sto. Tomas sa mag­­katulad nilang 8-1 kar­tada.

Nasa ilalim nila ang Ate­neo (5-4), La Salle (5-4), NU (3-6) Uni­versity of the East (3-6), University of the Philippines (3-6) at ang si­bak nang Adamson (1-8).

Show comments