Palakasin ang tsansa ng atleta sa 2020 Tokyo Olympics
MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang Philippine Sports Commission (PSC) na samantalahin ang pagkakataong ang bansa ang hahawak sa 30th Southeast Asian Games sa 2019 para palakasin ang tsansa ng mga atletang makapaglaro at manalo ng medalya sa Tokyo Olympics sa 2020.
“We should start planning now,’ wika ni Escudero. “Stakeholders have done their parts for next year’s Olympics in Rio de Janeiro. It’s now up to the athletes and the national sports associations to make it to the 2016 Games.”
“But we have time to prepare for 2019 and 2020. It’s no longer a long-term program but it could be our chance to win medals in the Summer Games--hopefully a gold medal or two. Why not dream and chase.
Nakuha ng Pilipinas ang hosting rights ng 2019 SEAG nang umatras ang Brunei dahil sa kakulangan ng pasilidad na pagdarausan ng mga events.
Ang Pilipinas ang namahala sa SEAG noong 1981, 1991 at 2005 ang taon kung kailan nakamit ng bansa ang overall championship.
Idinagdag ni Escudero na maaaring tumuklas ng mga bagong atleta ang mga NSAs sa pamamagitan ng pagbibigay ng foreign exposures at pagkuha ng mga mahuhusay na coaches.
Sa kasalukuyan si Filipino-American Eric Shaun Cray pa lamang ang nakatiyak ng tiket sa Rio Games.