Valdez-Tan duo nagparamdam agad sa UAAP beach volley

MANILA, Philippines - Kaagad nagparamdam ng kanilang paghahangad sa korona ang Ateneo De Manila University matapos talunin nina Alyssa Valdez at Bea Tan sina Arielle Estranero at Vina Alinas ng University of the Philippines, 21-9, 21-19 sa pagbubukas ng 78th UAAP women’s beach volleyball kahapon sa  Sands SM By The Bay.

Mula sa 19-19 pagkakatabla sa second set ay kinuha nina Valdez at Tan ang sumunod na laro para sa 1-0 record ng Lady Eagles.

Pareho namang nabigo ang nagdedepensang University of Santo Tomas at 2014 runner-up De La Salle University sa kanilang mga unang laro.

Pinatumba nina Mylene Paat at Jessica Galanza ng Adamson Lady Falcons sina Cherry Rondina at Rica Rivera ng Tigresses, 16-21, 21-17, 13-15.

Binigo naman nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng Far Eastern University Lady Tamaraws sina Cyd Demecillo at Kim Fajardo ng Lady Archers, 15-21, 21-17, 15-17. (RC)  

Show comments