George umiskor ng 32 points sa preseason win ng Pacers

Sinagasaan ni Paul George ng Pacers si Marcus Morris ng Piston.

AUBURN HILLS, Mich. – Humugot si Paul George ng 20 sa kanyang 32 points sa first quarter at nalampa­san ng Indiana Pacers ang iniskor na 26 markers ni roo­kie Stanley Johnson pa­ra kunin ang 115-112 panalo laban sa Detroit Pistons sa kanilang preseason game.

Tumipa si George, halos hindi nakalaro sa nakaraang season matapos mabalian ng binti, ng anim na sunod na 3-pointers sa opening quarter.

Nilisan naman ni guard George Hill ang laro sa se­cond quarter nang magka­roon ng sprained ankle.

Susunod na lalabanan ng Pacers ay ang Orlando Magic sa Huwebes.

Kumamada si Kentavious Caldwell-Pope ng 22 points mula sa kanyang 6-of-7 shooting sa 3-point line para sa Piston.

Nakatakdang labanan ng Detroit ang Brooklyn Nets.

Sa Chicago, nagtala sina Jimmy Butler at Doug McDermott ng tig-23 points para igiya ang Bulls sa 105-95 panalo laban sa Mil­waukee Bucks.

Ito ang unang laro ng ba­gong Chicago coach na si Fred Hoiberg.

Nagposte si Butler ng 7-of-12 fieldgoal clip sa loob ng 25 minutong pag­lalaro, habang iniskor ni McDermott ang kanyang 23 mar­kers sa second half buhat sa 8-for-14 shooting matapos ang 0-of-5 sa first half.

Nagdagdag si Nikola Mirotic ng 18 points at 8 rebounds para sa Bulls.

Hindi naglaro para sa Chicago sina Derrick Rose (left orbital fracture) at Pau Gasol.

Sa Dallas, tumipa si roo­kie Emmanuel Mudiay ng siyam sa kanyang 17 points sa fourth quarter pa­ra ihatid ang Denver Nuggets sa 96-86 panalo laban sa Mavericks.

Naglista rin si Mudiay, ang first-round draft pick ng Nuggets, ng 5 assists.

Kumayod naman si Joff­rey Lauvergne ng 11 sa kanyang 14 points sa first quarter kung saan kinuha ng Nuggets (1-1) ang 30-16 abante.

Kumolekta si Kenneth Faried ng 10 points at 10 rebounds para sa Denver, habang umiskor sina Gary Harris at ex-Maverick Jameer Nelson ng tig-12 points.

Hindi naglaro si Dirk No­witzki para sa Mavericks.

Sa Memphis, naglista si Russ Smith ng 12 points, habang nagdagdag ng tig-11 sina Jeff Green at Courtney Lee para tulu­ngan ang Grizzlies sa 92-89 pa­nalo kontra sa Houston Rockets.

Nag-ambag si Brandan Wright ng 10 points mula sa 4-of-6 shooting.

Pinamunuan naman ni Trevor Ariza ang Roc­kets sa kanyang 12 points kasunod ang 11 ni James Har­den at 10 ng bagong hu­got na si Ty Lawson.

Show comments