Blue Eagles tinakasan ang Maroons sa step-ladder semis ng badminton

Laro sa Sabado (Rizal Memorial Badminton Hall)

8 a.m. - La Salle vs Ateneo (Men’s step-ladder)

1 p.m. - La Salle vs Ateneo (Women’s step-ladder)

MANILA, Philippines – Pinabagsak ng Ateneo De Manila University ang Uni­versity of the Philippines, 3-2, sa unang step-ladder se­mifinals match UAAP Season 78 men’s badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Kinuha ni Hans Bernardo ang 21-11, 21-18 panalo la­ban kay Carl Clemente ng Fighting Maroons sa ikatlong singles para sa tagumpay ng Blue Eagles.

Sa ikalawang step-ladder ay makakatapat ng Ateneo, nagkampeon sa Season 76, ang karibal na De La Salle University na may hawak ng ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang semifinals survivor ang maghahamon sa nagdedepensang National University Bulldogs, may bitbit na ‘thrice-to-beat’ incentive matapos walisin ang elims.

Samantala, sinibak ng Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 3-1, para itakda ang kanilang step-ladder duel ng Lady Archers, mayroong ‘twice-to-beat’ bonus, sa Sabado.

Ang mananalo sa Lady Eagles at Lady Archers ang sasagupa sa title-holder na Lady Ma­roons sa Finals.

Show comments