Castro best point guard in Asia pa rin!

Nakapagtala si Jayson Castro ng average na 16.7 points, 2.6 assists at 3.2 rebounds sa FIBA Asia Championship. FIBA

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagkatalo, kabilang si Jayson Castro sa Mythical 5 ng FIBA Asia Men’s Championship.

Muling hinirang si Castro na best point guard in Asia matapos niyang trangkuhan ang Pilipinas sa silver medal finish gamit ang average na 16.7 points, 2.6 assists at 3.2 rebounds.

Unang nakuha ng Pampanga-native ang titulo noong 2013 nang gawin ang FIBA Championship sa Maynila.

Tatlo mula sa China ang nakakuha rin ng individual award na sina Guo Ailun, Zhou Qi at Yi Jianlian at binuo ni Samad Nikkah Bahrami ng Iran ang Mythical 5.

Kinilala namang MVP si Yi na dating naging kakampi ni Andray Blatche sa Washington Wizards sa NBA.

Pinabagsak ng host team China ang Pilipinas, 78-67, upang maiuwi ang ginto at dumiretso sa 2016 Rio Olympics.

Noong 2013 ay silver medal din ang nakuha ng Gilas matapos pasukuin ng Iran na bumagsak sa third place ngayon.

 

Show comments