Para sa tsansang makalaban si Pacquiao Matthysse kailangang talunin si Postol

MANILA, Philippines – Kung magiging impre­sibo ang panalo ni Lucas Matthysse laban kay Viktor Postol ngayon ay malakas ang posibilidad na ikunsidera siya para sa susunod na laban ni Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions sa Argentinian fighter na nasa listahan ng mga maaaring sagupain ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) sa 2016.

“There’s no question, it’s (Postol bout) a very important fight for him. He’s fighting for the world title, against an unbeaten, dangerous opponent trained by a hall of fame legend in Freddie Roach. It’s a tough fight for both guys,” wika ni De La Hoya sa panayam ng BoxingScene.com.

Nakatakdang pag-agawan nina Matthysse (36-3-0, 34 KOs) at Postol (27-0-0, 11 Kos) ng Ukraine nga­yon ang bakanteng WBC light welterweight title sa StubHub Center sa Carson, California.

Kamakailan ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na isa ring ka­pa­na-panabik na boksi­ngero si Matthysse na puwedeng itapat kay Pacquiao.

Kung maitatakda ang upakan nina Pacquiao at Matthysse ay plano ni Arum na gawin ito sa 144-pound catchweight.

Kasalukuyan namang kinakausap ni Arum ang grupo ni British star Amir Khan (31-3-0, 18 KOs) para sa kanilang pinaplan­tsang laban ni Pacquiao.

Sakaling bumagsak ang negosasyon ay ma­a­aring puntiryahin ni Arum ang sinuman kina Kell Brook (35-0-0, 24 KOs) at Terence Crawford  (25-0-0, 17 KOs).

Sumailalim kamakailan si Pacquiao sa isang MRI para sa inoperahan niyang kanang balikat.

Show comments