Smart runners nakopo ang biggest delegation award sa Caliraya 360 Fun Run

MANILA, Philippines - Mahigit 100 empleado-atleta mula sa wireless leader Smart Communication (Smart) ang sumali sa Caliraya 360 Fun Run sa Lumban, Laguna kamakailan.

Nagsimula ang karera sa Lumban Church bago dumaan sa Pagsanjan Falls at tumuloy sa Cavinti Cave, Lumot Lake at Caliraya Lake.

Itinanghal ang ipinanlaban bilang pinakamala­king delegasyon bukod pa sa pagsungkit ng medalya sa iba pang kategoryang pinaglabanan.

Sina Alfeus delos Santos, senior engineer na na­kabase sa Laguna at Ma. Bernadeth Ecleo ng service at platform delivery group, ay pumangatlo sa 4km category sa kalalakihan at kababaihan.

Mga kasapi ng Sama­hang Mananakbo ng Smart and Smart Mountaineering Clubs ang kumatawan sa Smart na ang hangarin ay mapaunlad ang pagkakaroon ng magandang kalusugan sa kumpanya at masunod ang itinutulak na “Live More” manipesto.

Show comments