CHANGSHA – Binura ng Iran ang kabiguan sa Incheon Asiad gold-medal game sa South Korea nang kunin ang 75-62 panalo at ang unang tiket sa Final Four ng 2015 FIBA Asia Championship kagabi dito sa Changsha Social Work Gymnasium.
Kinontrol ng mga Iranians ang mga gunners ng mga Koreans para sa inaasahan nilang semifinal showdown ng China.
Kalaban ng China ang India sa kanilang Final Eight duel kagabi.
“We played real good defense and it paid off against the Koreans,” sabi ni Iranian forward Oshin Sahakian sa kanilang laro ng South Korea na napanood sa TV5 at Aksyon TV.
Muli ring nagbida para sa Iran sina Hamed Haddadi, Nikkhah Bahrami, Mahdi Kamrani at Hamed Afagh.
“Our players understood that the Koreans always play well early in games. They were 18 points up on China and 12 up against Qatar before losing those games,” ani Iran coach Dirk Bauermann.
Humakot si Haddadi ng 18 points at 14 rebounds, habang nag-ambag sina Sahakian at Afagh ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Iranians na naunang tinalo ng GIlas.