Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. – San Sebastian vs Jose Rizal U (jrs)
10 a.m. – EAC vs Mapua (jrs)
12 n.n. – San Sebastian vs Jose Rizal U (srs)
2 p.m. – EAC vs Mapua (srs)
4 p.m. – Perpetual Help vs Letran (srs)
6 p.m. – Perpetual Help vs Letran (jrs)
MANILA, Philippines - Winalis ng Arellano Chiefs ang kanilang dalawang pagtutuos ng five-peat champions na San Beda Red Lions mula sa 91-72 panalo sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Muling nagpasiklab si point guard Jiovani Jalalon sa pinakawalang 25 puntos at ang 11 rito ay ibinagsak sa first quarter para bigyan ang Arellano ng 27-18 kalamangan.
Ngunit sa ikatlong yugto kumawala ang tropa ni coach Jerry Codiñera nang sina Jalalon, mayroon pang 8 assists, 7 rebounds at 2 steals, Dioncee Holts at Zach Nicholls ay nagtuwang sa 19-4 palitan, kasama ang 14-0 run, upang ang 54-50 bentahe ay lumobo sa 73-54.
Ang panalo ay ika-11 sa 17 laro ng Chiefs, ang 2014 runner-up, para tapusin ang dalawang dikit na pagkatalo at makasalo ang mga pahingang Perpetual Help Altas at Jose Rizal Heavy Bombers.
Maganda ang tsansa ng Arellano na makahirit ng playoff para sa puwesto sa semifinals dahil ang huling laro nila ay laban sa talsik nang Emilio Aguinaldo College Generals sa Martes.
“I told them that if we lose this game we will be eliminated,” wika ni Codiñera sa Chiefs na tinalo ng Red Lions sa Finals noong nakaraang taon.
Nalasap ng San Beda ang ika-limang pagkatalo matapos ang 17 laro at nananatili silang kapos ng isang panalo para hawakan ang mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.
May pagkakataon pa silang makuha ang insentibo sa pagharap sa Letran Knights sa kanilang huling asignatura.
May 17 puntos si Ola Adeogun pero ang katuwang niyang si Arthur dela Cruz ay naghatid lamang ng 10 puntos paras sa Red Lions.