3-dikit sa NU, La Salle

MANILA, Philippines – Dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na panalo ang nagdedepensang National University at De La Salle University sa 78th UAAP men’s badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Blinangko ng Bulldogs ang Fighting Maroons ng University of the Philippines, 5-0 habang dinaig ng Green Archers ang Ateneo Blue Eagles, 4-1 para iposte ang magkatulad na 3-0 kartada.

Tinalo naman ng University of Santo Tomas Tigers ang Far Eastern University Tamaraws, 4-1 para ilista ang 2-1 marka.

Umiskor si rookie Keeyan Gabuelo ng 21-19, 21-19 panalo kay Wilson Lopez, habang pinadapa ni Roslee Pe­dro­sa si Jon Masongsong, 21-9, 21-18  sa singles event.

Iginupo nina Peter Magnaye at Alvin Morada sina Vincent Manuel at Roberto Manuel, 21-15, 21-18 sa doubles.

Sinandalan naman ng Green Archers sina Gerald Sibayan, Anton Cayanan at Kenneth Monterubio para sa kanilang panalo sa Blue Eagles.

Samantala, pinayukod ng University of the East Red Warriors ang Adamson Falcons, 3-2  para sa kanilang 1-2 kartada kagaya ng Fighting Maroons at Falcons.

Show comments