UP binokya ang UST sa UAAP badminton

MANILA, Philippines – Blinangko ng women's champion University of the Philippines ang University of Santo Tomas, 5-0 para makisosyo sa liderato ng UAAP badminton tournament.

Muling ipinakita ni 2014 UAAP MVP Jessie Francisco at ni top rookie Mary Ann Marañon ang kanilang mga pamatay na porma para igiya ang Lady Maroons sa 2-0 record.

Sinamahan ng La Salle ang UP sa unahan matapos iposte ang 4-1 panalo kontra sa National University.

Samantala, binigo naman ng Ateneo De Manila University ang Adamson University, 5-0 at dinomina ng FEU ang UE, 5-0.

Kapwa may 1-1 ba­raha ang Lady Eagles at ang Lady Tamaraws para makatabla ang Tigresses at ang Lady Bulldogs.

May magkapareho na­mang 0-2 kartada ang Lady Warriors at ang Lady Falcons.

Show comments