Cardinals binawian ang Knights

Tinangkang supalpalin ni Kevin Racal ng Letran si Allwell Orae­me ng Mapua sa NCAA. Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Wala man ang kanilang coach ay naroroon ang determinasyon ng Mapua Cardinals nang talunin nila ang Letran Knights, 82-77 sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang 6’9 import na si Allwell Oraeme ay humablot ng career-high 30 rebounds upang isama sa 18 puntos bukod sa tig-tatlong steals at blocks para makabawi ang Cardinals sa 77-80 pagkatalo sa Knights sa first round tungo sa paglista ng ikalimang sunod na panalo.

Ito rin ang unang panalo ng Cardinals sa Knights matapos ang limang taon dahil huling namayani ang host school ay noong Agosto 5, 2010 sa 63-60 iskor.

Hindi nakasama ng Cardinals si coach Fortunato Co dahil pinatawan siya ng two-game suspension nang napatalsik sa laro laban sa Lyceum Pirates.

Sa pangunguna ni Orae­me ay nagpakawala ang Cardinals ng 20-13  palitan sa ikatlong yugto para lumayo sa 62-49, bago tumulong ang mga rookies na sina JP Nieles at Darell Menina upang maisantabi ang tangkang pagbangon ng Knights.

Si Nieles ay mayroong 16 puntos at pito rito ay sa huling yugto habang si Menina ay gumawa ng 12 puntos, 6 assists, 5 rebounds at 3 steals.

May 17 puntos si Mark Cruz ngunit ininda ng Mapua ang mahinang rebounding na kung saan nagtala lamang ito ng 38.

Palaban pa rin ang Jose Rizal University Heavy Bombers para sa puwesto sa Final Four sa 73-69 panalo laban sa St. Benilde Blazers sa unang laro.

Si Bernabe Teodoro ay gumawa ng free throw bago inagawan si Travis Jonson tungo sa transition basket upang umangat ang Heavy Bombers sa 8-6 baraha.

“Every game is a do-or-die game for us. We have to keep on working,” wika ni Meneses na kailangang ipanalo ang huling apat na laro para gumanda ang tsansa na umabante.

May 17 puntos si Teo­doro habang si Jonathan Grey ay mayroong 35 puntos para sa Blazers na nalaglag sa 3-11 karta.

Jose Rizal 73 – Teodoro 17, Pontejos 13, Poutouochi 13, Balagtas 10, Grospe 10, Sanchez 4, AbdulWahab 3, Estrella 2, dela Paz 1Cruz 0.

St. Benilde 69 – Grey 34, Ongteco 10, J. Domingo 9, Deles 7, Jonson 3, Nayve 3, Fajarito 3, S. Domingo 0, Cas­tor 0, Saavedra 0, Young 0, San Juan 0.

Quarterscores: 12-all; 35-32; 57-52; 73-69.

Mapua 82 – Oraeme 18, Nieles 16, Serrano 14, Menina 12, Que 6, Nimes 5, Aguirre 4, Brana 4, Biteng 3, Raflores 0

Letran 77 – Cruz 17, Racal 16, Nambatac 15, Sollano 12, Apreku 6, Balanza 5, Quinto 4, Luib 2, Bernabe 0, Gedaria 0.

Quarterscores: 16-25; 42-36; 62-49; 82-77.

Show comments