Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)
2 p.m. UST vs UP
4 p.m. La Salle vs FEU
MANILA, Philippines – Naibangon ng Ateneo Eagles ang sarili mula sa masamang panimula nang pabagsakin ang Adamson Falcons, 84-60 sa 78th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ikatlong yugto tumira ang Eagles upang iwanan na ang Falcons at maisantabi ang 64-88 pagkakadurog sa FEU Tamaraws sa unang asignatura.
“Our focus for today’s game was how to get back our confidence that was shattered with our loss to FEU. Kiefer (Ravena) deli-vered but what is important is may sumuporta,” wika ni Eagles coach Bo Perasol.
Si Ravena ay nanguna uli sa kanyang 24 puntos mula sa 11-of-17 shooting, kasama ang dalawang triples. Naroroon naman sina Von Pessumal at Aaron Black para sa dagdag opensa sa kanilang 12 at 11 puntos.
Ang anak ng dating PBA Best Import at coach ngayon ng Meralco Bolts sa PBA na si Norman Black ay may kahanga-hangang 3-for-3 sa 3-point line para sa kabuuang 4-of-6 shooting.
May dalawang sunod na triples si Black upang isama sa tig-isang 3-pointers nina Pessumal, Ravena at Gwayne Capacio para pasiklabin ang 22-11 palitan para hawakan ang 62-44 kalamangan.
Nagbunga sa pagkakataong ito ang pagtitiyaga ng UE Warriors nang paamuin ang nagdedepensang NU Bulldogs, 76-71 sa ikalawang laro.
Hindi nataranta ang Warriors nang naglaho ang 14 puntos kalamangan at sina Edgar Charcos at Paul Varilla ay nagpakawala ng magkasunod na triples para bigyan ang koponan ng 68-63 kalamangan.
Sunod nito ay pinagmasdan nila ang Bulldogs na nagtala ng tatlong krusyal na errors para maitabla ng all-Filipino UE team ang karta sa 1-1 at ipalasap sa NU ang ikalawang sunod na pagkatalo.
AdMU 84 – Ravena 24, Pessumal 12, Black 11, Ma. Nieto 9, Pingoy 8, Capacio 7, M. Tolentino 4, Wong 3, Babilonia 2, Cani 2, Mi. Nieto 2, Apacible 0, Gotladera 0, Ikeh 0, A. Tolentino 0, Go 0.
AdU 60 – Sarr 13, Nalos 10, Ochea 8, Tungcab 8, Garcia 7, Polican 7, Capote 4, Margallo 2, Ng 1, Bernardo 0, Camacho 0, Escalambre 0, Villanueva 0.
Quarterscores: 13-16, 34-30, 62-48, 84-60.