Serena lalaro sa IPTL Manila

Nasa larawan si Clementine Apacible, project Head ng IPTL. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ang paglahok ni Serena Williams sa gaganaping International Premier Tennis League (IPTL) sa Dis­yembre sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa press conference kahapon sa Premier Cafe sa nasabing venue, sinabi ni IPTL founder Mahese Bhupathi na si Williams ay kasama ng Philippine Ma­vericks sa kanilang tatlong laro mula Dis­yembre 6 hanggang 8.

“Yes, Se­rena will play three nights in Manila,” ani Bhupathi sa isang video-phone-patch mula Dubai.

Bukod kay Williams ay kumpirmado rin ang pag­lalaro ni Rafael Nadal na makakasama sa dalawang laban ng Indian Aces, ang nagdedepensang kampeon sa apat na yugtong torneo.

Unang  laro ng Mave­ricks ay ang UAE Royals sa Disyembre 6 bago haharapin ang Japan Warriors. Sa Disyembre 8 ay ang Indian Aces ang katipan ng home team.

Patuloy ang pagbeben­ta ng tiket para sa mga laro at ang presyo nito ay P49,000 sa VIP, P40,000 sa patron, P23,000 sa lo­wer box, P11,600 sa upper box at P2,600 sa general admission.

Show comments