MANILA, Philippines – Usap-usapan ngayon sa mundo ng palakasan ang umano’y pagturok ni Floyd Mayweather Jr. ng intravenous (IV) shots na naglalaman ng vitams bago siya sumabak sa ring upang labanan si Manny Pacquiao.
Sa ulat ng batikang boxing investigative writer na si Thomas Hauser ng sbnation.com sinabi niyang hindi naman ilegal na droga ang itinurok umano ni Mayweather base sa mga palatuntunin ng World Anti-Doping Agency (WADA ngunit ang problema ay hindi ito hiningian ng clearance sa United States Anti-Doping Agency (USADA).
Sa katunayan, pinayagan ng USADA si Mayweather magturok ng retroactive therapeutic use exemption (TUE) 18 araw bago ang bakbakan nila ni Pacquiao, ngunit ayon sa sinula ni Hauser ay ginamit ito ng undefeated American boxer ng mas maaga ng 2 araw.
Lumabas pa na hindi rin ipinaalam ng USADA ang IV shots sa Nevada State Athletic Commission (NSAC) na sila namang nangangasiwa sa mga pagtuturok.
Noong bago rin magharap ang dalawang boksingero, hindi naman pinayagan ng NSAC si Pacquiao na magturok ng anti-inflammatory shots upang gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa pananakit ng kanan niyang balikat.
Nagtamo ng torn rotator cuff si Pacquiao habang nag-eensayo ngunit lumalala ito sa mismong laban.
Sa huli ay nanaig si Mayweather sa isang unanimous decision upang mapanatili ang 47-0 win-loss record niya.