Arellano bumandera sa seniors’ chess

MANILA, Philippines - Pinatumba ng nagde­depensang Arellano University ang Perpetual Help, 3.5-.5, para pagharian ang first round ng seniors’ chess competition ng 91st NCAA season sa Philippine Sports Commission’s Administration Building sa Manila.

Isinulong nina Kyz Llantada, Don Tyrone delos San­tos  at Michael Miguel Pe­nero ang mga panalo sa boards one, three at four, ha­bang nakipag-draw naman si Carlo Caranyagan kay Carl Mico Villanueva sa board two para sa 26.5 points ng Chiefs.

Tinalo naman ng San Be­da ang Emilio Aguinaldo College mula sa mga pana­lo nina National Master Al­con John Datu, Bryan Bar­celon, Renato Cruz, Jr. at Christian David Luchina pa­ra pumangalawa sa ka­nilang 26 points.

Sa juniors’ side, tinalo ng San Beda ang EAC, 4-0, para pamahalaan ang first round sa kanilang 28.5, 1.5 points.

 

Show comments