Wildcats kinumpleto ang semis cast

Laro Bukas (The Arena, San Juan City)

1 p.m.  Ateneo vs NCBA

3 p.m.  National U vs EAC

MANILA, Philippines – Kinuha ng NCBA Wildcats ang ikaapat at huling upuan sa semifinals ng Spikers’ Turf Collegiate Conference nang nalusutan ang La Salle Green Archers sa pahirapang 30-28, 31-29, 25-21 straight sets panalo sa playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nailabas ng Wildcats ang tibay ng dibdib nang tinalo ang Archers sa extended first at second set at ang momentum ay hindi na binitiwan sa third set para mamayani sa larong tumagal ng isang oras at 41 minuto.

Ang mga guest players na sina Reyson Fuentes at Edwin Tolentino ay mayroong 13 at 12 puntos habang si Paul John Domingo ay naghatid pa ng 11 para pawiin ang pagkatalo ng NCBA sa UP Maroons sa huling laro dahilan para magkaroon ng sudden-death laban sa Archers.

Ang Final Four ay sisi­mulan bukas at kalaban ng Wildcats ang walang talo na Ateneo Eagles sa best-of-three series.

Tapatan ng National University Bulldogs at Emilio Aguinaldo College Generals ang ikalawang semis matchup.

Show comments