Laro Ngayon (Xinchuang Gymnasium, Taipei)
1 p.m. Gilas Pilipinas vs Russia
TAIPEI – Nabigo ang Gilas Pilipinas na maduplika ang nauna nilang panalo sa Chinese-Taipei A noong Linggo.
Nagpakawala ang South Koreans ng isang 11-0 atake sa fourth quarter patungo sa kanilang 82-70 paggupo sa Nationals para sa kanilang unang panalo sa 2015 William Jones Cup kagabi dito sa Xinchuang Gymnasium.
Nauna nang nanalo ang Gilas sa Chinese Taipei A, 77-69 sa una nilang laro noong Linggo.
Ikinainis ni coach Tab Baldwin ang kawalan ng team work ng Nationals na siyang sinamantala ng Koreans, tinalo ng koponan ni mentor Chot Reyes noong 2013 FIBA Asia Championship sa Manila.
“I’m not happy with our effort in the first half. It got better in the second half but our offense is not there yet,” sabi ni Baldwin.
Lalabanan ngayon ng Nationals ang Russians sa ala-1 ng hapon bago isunod ang Japan bukas ng alas-3 at ang four-time champions na Iran sa Huwebes.
Bago talunin ang Gilas Pilipinas ay nakalasap muna ang South Korea ng 84-86 kabiguan sa Russia.
Umiskor si Terrence Romeo ng 23 points, tampok dito ang 3-of-4 shooting sa three-point range, habang nagdagdag si Gary David ng 16 markers kasama ang tatlong tres.
Kumolekta naman si Calvin Abueva ng 9 points at 6 rebounds.
Pinamunuan ni Tae-Young Moon ang South Korea mula sa kanyang 17 points.
Inangkin ng Gilas Pilipinas ang 21-20 abante sa first period bago naagaw ng South Korea ang unahan, 36-34, sa halftime.
Matapos makatabla sa 54-54 sa pagsasara ng third quarter ay nagtayo ang Koreans ng isang 11-point lead sa huling 1:40 minuto ng final canto.
KOREA 82 – Lee Seunghyun 19, Moon 17, Lee Jonghyun 12, Lee Jonghyun Hyun 11, Kim 8, Park 6, Kim S. H. 5, Ha 2, Kim T. S. 2, Lee J. H. 1.
Gilas Pilipinas 70 – Romeo 23, David 16, Abueva 9, Castro 7, De Ocampo 5, Taulava 4, Tautuaa 2, Intal 2, Ramos 2, Pingris 0, Norwood 0, Alapag 0.
Quarterscores: 20-21; 36-34; 54-54; 82-70.