Laro sa Martes
(The Arena, San Juan City)
10 a.m. Arellano
vs St. Benilde (Jrs)
12 nn Perpetual Help
vs Lyceum (Jrs)
2 p.m. Arellano
vs St. Benilde (Srs)
4 p.m. Perpetual Help
vs Lyceum (Srs)
MANILA, Philippines - Ginulpi ng 5-time defending champion San Beda Red Lions ang kulang sa tao na St. Benilde Blazers, 89-63, para manatili sa itaas ng team standings sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagbalik si Ola Adeogun mula sa one-game suspension sa paghatid ng 12 puntos at pitong rebounds habang magandang laro rin ang naipakita nina PBA-bound Arthur dela Cruz, Ryusei Koga, Ranbill Tongco at Pierre Tankoua para sa ikalawang sunod na panalo ng Lions sa second round at 9-2 baraha sa pangkalahatan.
May all-around numbers na 17 puntos, 10 rebounds at 7 assists si Adeogun, habang sina Koga, Tongco, Tankoua at Amiel Soberano ay nagsanib sa 44 puntos.
Sa ikatlong yugto kumana ang Red Lions sa 24-11 palitan, at pinasiklab ito ng 10-0 start para hawakan ang 48-31 kalamangan.
Naglaro ang Blazers na hindi kasama ang kamador at NCAA All-Star MVP na si Jonathan Grey na ibinangko ni coach Gabby Velasco para bumaba 2-8 karta.
Kasalo pa rin sa unahan ang Letran matapos idispatsa ang Emilio Aguinaldo Colleg, 86-76, sa ikatlong laro.
Si Mark Cruz ay humataw ng 29 puntos, 4 rebounds, 2 steals at 1 assist para maipaghiganti ng Knights ang 69-83 pagkatalo sa first round.
Nakabawi ang bataan ni coach Aldin Ayo mula sa dikit na pagkatalo sa San Sebastian Stags (87-89) dahil na rin sa late-second error ni Cruz sa huling laro para sa 9-2 karta.
Binuhay pa ng Lyceum ang laban para sa puwesto sa Final Four nang pabagsakin ang humabol pero kinapos na Stags, 71-67 sa isa pang laro.
San Beda 89- dela Cruz 17, Soberano 12, Adeogun 12, Koga 11, Tongco 11, Tankoua 10, Cabanag 7, Mocon 4, Reyes 3, Bonsubre 2, Sara 0, Sorela 0, Sedillo 0.
St. Benilde 63- J. Domingo 20, Fajarito 11, Saavedra 10, Young 9, Ongteco 3, Deles 3, Jonson 2, Sta. Maria 2, San Juan 2, Flores 1, Nayve 0, Castor 0, Dixon 0.
Quarterscores: 13-12; 38-31; 62-42; 89-63.