Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. St. Benilde vs San Beda (Jrs)
10 a.m. Lyceum vs San Sebastian (Jrs)
12 nn St. Benilde vs San Beda (srs)
2 p.m. Lyceum vs San Sebastian (Srs)
4 p.m. EAC vs Letran (Srs)
6 p.m. EAC vs Letran (Jrs)
MANILA, Philippines - Maagang kumalas ang Mapua Cardinals sa Perpetual Altas para trangkuhan ang 70-65 panalo sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si Allwell Oraeme ay mayroong 19 puntos at 14 rebounds at nakitaan din ang iba pang baguhan na sina JP Nieles at Denniel Jay Aguirre sa huling yugto upang masawata ang tangkang pagbangon ng Altas mula sa 16 puntos pagkakalubog sa ikalawang canto.
Sa pag-atake ni Bright Akhuetie ay nagawang makalapit ang Altas hanggang sa tatlong puntos, 65-68, sa huling 45 segundo sa laro.
Nabalik ang bola sa Altas matapos ang turnover ng Cardinals pero nawalan ng pasensya si Gab Dagangon na pumukol ng 3-pointer na sumablay.
Nadagdagan pa ang pagkakamali ni Dagangon nang isalba ang papalabas na bola mula sa masamang outlet pass ni Oraeme dahilan para sa madaling lay-up ni Aguirre tungo sa limang puntos na kalamangan.
Ikalimang panalo sa 10 laro ito ng Cardinals para manatiling palaban sa puwesto sa Final Four habang naunsiyami ang pakay ng Altas na saluhan ang mga nasa itaas na Letran Knights at San Beda Red Lions nang bumaba sila sa 7-3 baraha.
Tinalo ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Arellano Chiefs sa double overtime, 114-112, ngunit agad na iprinotesta ito ng mga opisyal ng huli dahil sa huling pagtama ng game officials sa naunang itinawag na 3-pointer ni Bernabe Teodoro.
Ang bulso ni Teodoro ay nagbigay sa Heavy Bombers ng 113-109 kalamangan. Pero nakita sa replay na nakatapak sa linya si Teodoro para maging two-pointer lamang ang buslo nito.
Ang pagtama ay ginawa matapos pumukol ng tres si Jiovani Jalalon at sinegundahan ng pag-foul kay Gio Lasquety para sa dalawang free throws sa huling 1.4 segundo.
Kung agad na naitama ang attempt ay hindi na maglalapat ng foul si Jalalon dahil tabla ang iskor sa 112-all.
Naipasok ni Lasquety ang 2-free throws para makuha ang panalo.