Clarkson makakasama ng Gilas sa Jones Cup

MANILA, Philippines – Nakamit ni Fil-Am Jordan Clarkson ang kanyang kahilingan na mapasama sa Gilas Pilipinas.

Darating ngayon si Clarkson, ang point guard ng Los Angeles Lakers at iimbitahang sumali sa Gilas Pilipinas bilang observer sa kanilang mga ensayo at pati sa pagsabak ng koponan sa darating na William Jones Cup Invitational sa Chinese-Taipei.

Ang pagbabalik ng 6-foot-4 na si Clarkson, ang inang si Annette ay isinilang sa Angeles, Pampanga, ay hinggil sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagpirma niya para sa Smart Communications, Inc (Smart) bilang endorser ng Smart at ang mga produkto at serbisyo nito.

“As a proud Fil-Am, I look forward to my upcoming visit to the Philippines.  The Pinoy fans have been very supportive of me all year long, and I can’t wait to thank them in person,”  sabi ni Clarkson.

Magdaraos din si Clarkson, bumisita sa bansa noong Mayo kasama ang ilang NBA players para sa isang three-day promotional tour, ng basketball clinics habang siya ay nasa Manila.

Wala pang katiyakan kung tunay na makakasama si Clarkson sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin para sa kampanya sa 2015 FIBA Asia Championships sa Changsa, China.

Show comments