Huelgas, Adorna mapapalaban sa Iloilo

ILOILO CITY, Philippines --Pangu­ngunahan nina Southeast Asian Games titlists Nikko Huelgas at Claire Adorna ang higit sa 60 elite, sprint, relay at age group bets sa Philippine National Duathlon Trials-“Race for the Iloilo River” dito.

Ang one-day event na dapat sana ay isang triathlon race lamang ayon kay Tom Carrasco, ang presidente ng Triathlon Association of the Philippines, ay naging run-bike-run competition bunga ng masamang panahon.

Sasabak din sa aksyon sina Kim Mangrobang, pumangalawa kay Adorna sa 2015 SEA Games at Joan Saim, ang sixth placer sa event na pinagharian ni Huelgas.

Kabuuang P40,000 ang pag-aagawan sa karerang magtatampok din sa mga labanan sa elite, sprint, relay at age groups.

Sina Senate President Franklin Drilon, Mayor Mabilog, PSC chairman Richie Garcia at Carrasco ay inaasahang sasaksi sa karera.

Show comments