Blue Eagles, Bulldogs lalapit sa semis ng Spikers’ Turf

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

1 p.m. - NU vs UP

3 p.m. - EAC vs CSB

5 p.m. - FEU vs Ateneo

MANILA, Philippines – Lalapit ang Ateneo Blue Eagles at ang National Uni­versity Bulldogs sa asam na puwesto sa se­mifinals sa pagsikwat ng pa­nalo sa quarterfinal round ng Spi­kers’ Turf Collegiate Con­ference ngayon sa The Are­na sa San Juan City.

Limang sunod na pana­lo ang nakuha ng Ateneo at NU sa unang yugto pero aalisin ang panalong naku­ha sa mga katunggaling napatalsik sa liga.

Ang Tamaraws ay may 0-3 karta, habang 1-2 ang baraha ng Maroons at asahan na pinaghandaan nila ang labang ito para magapi ang mga paboritong ko­po­nan at palakasin ang tsansa sa Final Four.

Sa ganap na ala-1 ng hapon magtatapat ang NU at UP, habang sa alas-5 mag­tutuos ang Ateneo at FEU.

Maalab na laro rin ang matutunghayan sa panga­lawang laro sa pagkikita ng mga NCAA finalists na Emilio Aguinaldo College Ge­nerals at St. Benilde Bla­zers.

May 2-1 baraha ang EAC at kasalo ang La Salle Green Archers, habang 0-3 ang dala ng Bla­zers ngunit maisa­santabi ito dala ng hanga­ring talunin ang isa’t-isa.

Show comments