Team USA tinapos ang minicamp sa panalo

LAS VEGAS – Walang LeBron James o Stephen Curry.

Hindi rin nagpakita sina Carmelo  Anthony, Chris Paul, Kevin Durant at James Harden.

Ngunit ang mahalaga ay walang nangyaring injuries.

Tinapos ng U.S. men’s basketball team ang kanilang minicamp sa pamamagitan ng 134-128 panalo ng White team laban sa Blue team.

Naging exhibition ang naturang laro kumpara noong nakaraang taon kung saan nabali ang binti ni Indiana Pacers All-Star Paul George nang bumagsak sa backboard stanchion.

Kumamada si Sacramento Kings All-Star DeMarcus Cousins ng 24 points at 11 rebounds para sa panalo ng White team.

Mas pinili ng mga NBA superstars na huwag makisali sa naturang scrimmage, habang ang mga naglaro naman ay iningatan ang kanilang mga sarili.

Nagtala si Mason Plumlee ng 20 points at 11 rebounds para sa White team, samantalang pinamunuan ni Andre Drummond ang Blue team sa kanyang 27 points at 16 rebounds kasunod ang 25 points ni Victor Oladipo.

Show comments