NU magsosolo sa no. 2 kontra La Salle-Dasma must-win sa UP vs Ateneo

STANDINGS     W   L

Ateneo               3    0

FEU                   2    1

NU                     2    1

Arellano            2    1

UST                   2    1

DLSU-Dasma 1    2

St. Benilde         0    3

UP                       0    3

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  NU vs DLSU-D

3 p.m.  UP vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Lalapit pa ang Ateneo Lady Eagles sa hangaring puwesto sa semifinals habang kakalas ang National University Lady Bulldogs sa pakikisalo sa ikalawang puwesto sa pagbubukas ng quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady E­agles ang UP Maroons sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang tagisan ng Lady Bulldogs at La Salle-Dasma Lady Patriots sa ganap na alas-12:45 ng tanghali.

Bitbit ng walong uma­banteng koponan ang ka­nilang mga karta na naiposte sa group elimination pero inalis ang win-loss records laban sa mga kopo­nang nasibak agad.

Dahil dito, ang UAAP champion Ateneo ay mayroong 3-0 habang ang Lady Maroons ay may 0-3 baraha at nalalagay sa must-win para manatiling buhay ang asam na magpatuloy ang paghahabol sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Alyssa Valdez ang mangunguna uli para sa Lady Eagles na lumabas na number two bilang Best Spikers at Best Ser­vers sa elimination round.

Ipantatapat ng Lady Maroons ang kanilang depensa nang tumersera sa Best Blockers at puma­ngalawa  sa Best Diggers.

Ikatlong panalo sa apat na laro ang target ng NU para makakalas sa nagde­depensang kampeon FEU Lady Tamaraws, St. Benilde Lady Blazers at UST Tigresses sa ikalawang puwesto.

Tiyak na gagamitin ng Lady Bulldogs ang galing nina Dindin Manabat, Jaja Santiago at Myla Pablo para itulak ang Lady Patriots sa agaw-buhay na sitwasyon.

May 1-2 karta ang Lady Patriots at nasa ikaanim na puwesto kaya’t kailangang manalo rin sila sa tunggalian na ito.

Show comments