34 NBA Players sumabak sa mini-camp: Team USA sinimulan na ang paghahanda para sa Rio Games

LAS VEGAS – Nagkita-kita sa gym sina Kevin Durant, Carmelo Anthony at Chris Paul at makakasama nila si LeBron James nga­yong araw.

Gusto ni Dwight Ho­ward na makalarong muli sa Olympics at nagpakita naman ng interes si NBA MVP Stephen Curry ng NBA champions na Golden State Warriors na mapabilang sa Team USA.

Sa Agosto pa ng 2016 ang Olympics ngunit mara­ming players ang U.S. na gustong magtungo sa Rio de Janeiro.

Binuksan ng two-time defending gold meda­lists ang isang maikli at ma­gaang na mini-camp sa ilalim ni coach Mike Krzyzewski kung saan halos tatlong dosenang pinakamahuhusay na pla­yers sa NBA ang gustong maikunsidera sa 12 spots sa final roster.

Sa kabila ng ilan sa kanila ay hindi pa masyadong kondisyon, tinanggap ng 34 players ang imbitas­yon sa Las Vegas.

Maaaring makagawa sina Anthony at James ng U.S. history kung makakalaro sila sa ikaapat na pagkakataon sa Olympic Games sa 2016.

Kasama rin si Paul, posibleng sila ang maging unang men’s basketball three-time gold medalists.

Show comments