Player of the Week si Kevin Racal

MANILA, Philippines – Kung may isang player na pinagpapasalamatan si Letran coach Aldrin Ayo ito ay walang iba kundi si Kevin Racal.

Ang manlalaro na nag­ba­balik mula sa ACL injury noong nakaraang taon ay isa sa malaking dahilan kung bakit naipanalo ng Knights ang unang anim na laro sa 91st NCAA season.

Nakikitaan ng solidong numero ang beterano ginagamit siya sa hindi niya dapat na puwesto.

Kontra sa Arellano Chiefs ay nailabas ni Racal ang pinakamagandang produksyon sa kinamadang 24 puntos sa 77-68 panalo ng Knights.

May siyam na puntos siya sa ikatlong yugto para tulungan ang koponan na ilayo sa 62-48.

Ang ipinakita ay sapat na para igawad sa kanya ang ACCEL Quantum-3XVI/NCAA Press Corps Pla­yer of the Week. (AT)

 

Show comments