Gilligan’s, Foton unahang pumuwesto sa quarters

Laro Ngayon

(SM By The Sands,

Mall of Asia)

1 p.m. Gilligan’s

vs Foton Hurricane

2:30 p.m. Petron XCS

vs Accel Quantum Plus B Perpetual Molino

3:20 p.m. Petron Sprint 4T vs Cignal  HD Spikers A

4 p.m. Philips Gold vs Amy’s

4:40 p.m. Meralco

vs Foton Tornadoes

5:30 p.m. Foton Hurricane vs Cignal  HD Spikers A

6:20 p.m. Petron Sprint 4T

vs Gilligan’s

 

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Gilligan’s at Foton Hurricane ang isang quarterfinal slot sa women’s division sa pagbabalik ng PLDT Home Ultera-Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 ngayon sa SM By the Sands sa SM Mall of Asia.

Lalabanan nina Danica Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s sina Pau Soriano at Bea Tan ng Foton Hurricane sa ganap na ala-1 ng hapon sa torneong inor­ganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay at Maynilad.

Sina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng Cignal HD Spikers B ang unang nakakuha ng quarterfinals ticket matapos magposte ng dalawang panalo.

Umiskor ang Gilligan’s ng malaking 21-19, 21-14 panalo laban kina Cha Cruz at Michelle Laborte ng Cignal HD Spikers A noong nakaraang Sabado.

Lalabanan nina Gret­chen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS sina Aurora Tripoli at Rochet Dela Paz ng Accel Quantum Plus B ang Perpetual Molino sa alas-2:30 ng hapon, habang lalaban nina Fil-Am A­lexa Micek at Fille Cayetano ng Petron Sprint 4T sina Cruz at Laborte ng Cignal HD Spikers A sa alas-3:20.

Sa alas-4 ng hapon ay makakasukatan naman nina Aileen Abuel at Rossan Fajardo ng Philips Gold sina Samantha Dawson at Len Cortel ng Amy’s kasunod ang bakbakan nina Jusabelle Brillo at Jem Guttierez ng Meralco sina Patty Orendain at Fiola Ceballos ng Foton Tornadoes sa alas-4:40.

Sa men’s side, lalabanan ng Perpetual Molino A ang SM By the Bay B sa alas-7:30 ng umaga kasunod ang laro ng Centerstage at Champion Infinity A sa alas-8:20.

Maglalaban ang Perpe­tual Molino B at Champion Infinity B sa alas-9, bago ang laban ng SM By the Bay A at Cignal HD Spikers B sa alas-9:40.

Show comments