MANILA, Philippines – Labis ang tuwa na nararamdaman ngayon ni Manny Pacquiao matapos matanggap ang balitang siya ang sinusuportahan ng itinuturing bilang pinakamahusay na boksingero ng US na si Muhammad Ali.
Naunang sinabi ng anak ni Ali na si Rasheda sa TMZ Sports na hanga ang kanyang ama kay Pacquiao hindi lamang sa pagbo-boxing kundi ang ginagawa nitong pagtulong sa kapwa kaya nasa kanya ang suporta nito sa laban kay pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.
“He knows Manny’s a great fighter but its more bound what he does outside the ring. He’s such a charitable person,” wika ni Rasheda.
“My dad is Team Pacquao all the way. My dad really likes Manny. He’s a huge fan of his,” ani pa nito.
Nagpasalamat si Pacquiao sa magandang pahayag ng 73-anyos na si Ali na kanya ring iniidolo lalo na sa pagtulong sa ibang nangangailangan.
“He (Ali) serves as one of my inspiration in doing charity works outside of boxing. He is a man of principle and a good role model for us,” wika ni Pacquiao kay Aquiles Zonio.
Ginarantiya pa ni Pacman na hindi masasayang ang pagsuporta ni Ali sa kanilang mabigat na laban kontra kay Mayweather dahil lalo siyang magiging inspirado na magpakahirap sa ensayo para manalo sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
“Hearing that he picks me over his compatriot is truly humbling and inspiring. I’ll do my best to live up to his expectation and that of the fans worldwide,” pahayag pa ng Pambansang Kamao.