MANILA, Philippines – Sa susunod na tatlong linggo ay handa na si Manny Pacquiao na pabagsakin ang sinumang makaharap niya sa ibabaw ng boxing ring.
Kasama na rito si Floyd Mayweather Jr.
Ito ang deklarasyon ni chief trainer Freddie Roach base sa kanyang nakikita sa ginagawang pag-eensayo ni Pacquiao para sa kanilang super fight ni Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Manny’s in shape, physically and mentally fired up as we started drawing and slowly, but surely, implementing strategies and game plans,” sabi ni Roach sa panayam ng Philboxing.com mula sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood.
Muling nagpapawis si Pacquiao sa punchmitts at speedball para mas mapaganda pa ang kanyang kilos at bilis.
Kumpiyansa si Roach na mapapabagsak ni Pacquiao si Mayweather na hindi nagawa ng naunang 47 na tinalo ng American fighter.
“When the fight ends and I believe it’s via stoppage, he’ll be 47-1,” wika ng 55-anyos na si Roach sa malalasap na kauna-unahang kabiguan ni Mayweather.
Kagaya ng 36-anyos na si Pacquiao, nasa maigting na pagsasanay na rin ang 38-anyos na si Mayweather sa kanyang training camp sa Las Vegas.
Nangako si Mayweather na susulitin ang bawat pera ng mga manonood sa kanilang mega showdown ni Pacquiao.
“Everyone talks about the money, the money, the money,” ani Mayweather. “I want the fight to live up to the magnitude that it is. That’s what it is really about.