Tickets sa Pacquiao-Mayweather bout ilalabas na

MANILA, Philippines – Sa susunod na linggo na ilalabas sa publiko ang tickets sa makasaysayang bakbakan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand Las Vegas, ngunit kakaunti lamang ito.

Ayon sa ulat ng Los Angeles Times, sinabi ni Leonard Ellerbe ng Mayweather Promotions na hindi lalampas ng 1,000 tickets ang ibebenta, kung saan naglalaro ang presyo sa $1,000 hanggang $10,000.

Sinabi naman ni Top Rank chief Bob Arum na nasa 16,200 na upuan ang kaya ng venue, pero ang mga hindi ibebentang ticket sa publiko ay paghahatian ng MGM Grand, Mayweather Promotions at Top Rank.

Inaasahang aabot sa $73 milyon ang sumatutal ng aabuting halaga ng mga ticket, pero maaari pa itong lumaki pagnaibenta ito sa black market.

Maghaharap sina Pacquiao at Mayweather sa Mayo 3 sa oras ng Pilipinas.

Show comments